May 27 2008
Letter from a Future Teacher in Cambodia
Dear Toe,
I’ve been reading your blog in preparation for going to Cambodia. I am going there to teach in an International School run by a US-based missions organization, but I’m Pinay. Your blog has been very helpful and I’m grateful since I knew nothing about Cambodia until I started reading up when I got the job. I first applied last year but am only going to be able to leave in June (God-willing).
I promised my friends I’d keep a blog while I’m there, so I may be following in your footsteps… but that may be wishful thinking since this will be my first attempt at teaching.
I noticed a reference to Matabungkay Beach. I lived half my life right near that–on White Sands (now Terrazas de Punta Fuego). I wonder if my family knew yours?
But what I really wanted to ask you was that statement you made about Pinoys having “POEA”. I was just hired directly by the school and they’re handling my ticket and visa… so is there anything I should know and do aside from the papers they’re arranging for me? I understand if you can’t answer my question… but appreciate your taking time to read.
See you online, and keep up the blogging!
Ningning
Dear Ningning,
Hi and congratulations on your new job! I wish you all the best on your exciting life ahead in Cambodia. It would be wonderful if you could keep a blog on your adventures here in Cambodia because people could get different perspectives of the country from different Filipino bloggers here.
Oh, so you’re Batanguenyo. I have to ask my Dad if he knows your family.
Regarding your question about POEA and working as a direct hire, my answer is a bit long so please bear with me. Here goes:
Sinusulat ko ito sa ating sariling wika dahil sa paggalang sa bansang kinauukulan.
Ang regular at wastong pamamaraan ng pag-aabrod ng mga Pilipino upang magtrabaho sa ibang bansa ay ang pagdaan sa isang recruitment agency na accredited ng POEA o Philippine Overseas Employment Agency. Ito ang mga kabutihan o benepisyo ng pagdadaan sa recruitment agency:
- Sisiguraduhin ng recruitment agency na regular at sapat ang iyong kontrata at iba pang mga dokumento. Ang iyong kontrata ay dapat may mga probisyon ukol sa: wastong sahod, vacation leaves at sick leaves, mga probisyon sa repatriation kung sakaling ma-terminate ang kontrata o mamatay ang empleyado, mga probisyon ng pagtapos ng kontrata, holiday bonuses, at iba pa. Ngunit ang pinakamahalagang probisyon ng kontrata para sa akin ay ang pag-ako ng iyong employer ng iyong medical insurance at life insurance.
- Sisiguraduhin ng recruitment agency na ang employer ang magkukubra ng pamasahe at visa. Kung hindi ito ibibigay ng employer, malamang ay hindi magaling o di kaya hindi accredited ng POEA ang recruitment agency.
- Ang pinakamahalagang benepisyo ng pagkakaroon ng recruitment agency para sa akin ay sa sitwasyong hindi sumunod ang iyong employer sa iyong kontrata (halimbawa, hindi magbigay ng sahod o kaya’y tanggalin ka sa trabaho ng walang dahilan), maari mong habulin ang recruitment agency sa Pilipinas. Ito ay mahalaga lalo na sa bansa tulad ng Cambodia kung saan hindi pa natalaga ng mabuti ang mga batas at korte at ikaw ay mahihirapang habulin ang iyong employer sa legal na pamamaraan.
- Aasikasuhin din ng recruitment agency ang iba mo pang papeles katulad ng pasaporte, POEA e-card, Medicare, plane tickets, visa, at iba pa.
Tandaan lamang na ang regular na bayad sa recruitment agency ay kasinghalaga ng isang buwang sahod. Kung higit na mas malaki dito ang sinisingil ng recruitment agency, marahil ay hindi ito accredited ng POEA at hindi ka dapat pumatol dito.
Kung nakahanap ka naman ng trabaho sa ibang bansa ng hindi dumadaan sa recruitment agency kagaya ng kaso mo, puwede din ito. Ikaw ngayon ay tinatawag na direct hire. Madami sa mga Pilipino sa Cambodia ay direct hire dahil walang recruitment agency ang nagpapadala ng mga empleyado dito dahil hindi naman ganoon kalaki ang demand. Kung ikaw ay direct hire, kailangan mo pa rin dumaan sa POEA at kumuha ng iyong e-card. Puntahan lamang ang website ng POEA para sa pamamaraan ng pag-rehistro dito. Ito ang mga benepisyo nito:
- Makakalabas ka ng bansa bilang OFW at hindi bilang turista. Ang tourist worker (visa ay pang-turista o kaya ay ginagamit ang ASEAN 21-day visa-free privilege at hindi working visa) ay pinagbabawal sa Pilipinas at sa madaming iba pang bansa. Bagamat dito sa Cambodia, dahil hindi nag-iisue ang kanilang mga embahada ng pang-mahabang panahon na visa, gagamitin mo muna ang iyong ASEAN 21-day visa-free privilege at dito ka na lang kukuha ng business visa.
- Mai-isyuhan ka ng Overseas Employment Certificate na siyang garantiya na mabibigyan ka ng proteksiyon at benepisyo na inuukol ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga OFW katulad ng tourist tax exemption privilege, Medicare, OWWA, pre-departure orientation seminar, at iba pa.
Dapatwat wasto din naman ang pagiging direct hire, mayroon ka ring ilang mga risk. Ang pinakamalaking risk ay kung ikaw ay may mga money claims sa iyong employer (halimbawa, hindi ka bayaran ng suweldo o benepisyo), wala kang recruitment agency na masisingil sa Pilipinas ayon sa batas ng Pilipinas. At katulad ng sinabi ko kanina, mahihirapan kang maningil sa bansa ng iyong pinagtatrabahuhan lalo na sa bansa katulad ng Cambodia kung saan hindi pa natatalaga ang mga korte at mga batas.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang website ng POEA.
Ningning, kung babasahin mo ang mga sinulat ko sa blog na ito, marami akong sinasabing magagandang bagay tungkol sa bansang ito. Totoo ang mga ito. Ngunit mayroon ding mga mga realidad na dapat mong malaman. Ang Cambodia ay kung kailan lang bumabangon sa epekto ng digmaan at mayroon ding kaunting mga panganib dito:
- BATAS AT KORTE. Maganda ang buhay dito sa Cambodia kung maganda. Kung ikaw ay magaling, maari kung kumita at makapag-ipon ng madaming dolyar. Kulang pa sa kakayahan ang mga taga-dito kung kaya’t madali lang para sa mga Pilipino makahanap ng trabaho. Ngunit sa kabila nito, pagkamagkaroon ka ng problema, walang legal na solusyon. Katulad ng sinabi ko, pagka may money claims ka sa iyong employer, mahihirapan ka talagang maningil. Kung wala kang recruitment agency, ang iyong kontrata ay nakatalaga lamang sa good faith. Maari ka din magkaron ng problema sa iyong visa, sa iyong inuupahang bahay, at iba pa. Lahat na ito ay mahihirapan kang makahanap ng legal na remedyo.
- Bagamat unti-unting na ring umuunlad ang bansang ito, hindi pa rin sapat ang iba nilang mga imprastraktura sa larangan ng mga sektor tulad ng banking, telekomunikasyon, Internet, transportasyon, at iba pa. Kung kailan lang ako nagkaroon ng credit card at checking account dito. Ang kalye sa harap ng bahay namin ay baku-bako. Napakamahal tumawag ng overseas at pati na rin ang Internet.
- TRAPIKO. Basahin lamang ito.
- OSPITAL. Katulad ng sinabi ko sa post kong Do’s and Dont’s in Cambodia, bawal magkasakit sa Cambodia. Maari akong magkuwento ng kadami-daming nakakatakot na kuwento tungkol sa mababang kalidad ng mga ospital dito. Hindi pa maganda ang kanilang serbisyo at kulang na kulang ang mga pasilidad kahit sa pinakabago nilang mga ospital. Madalas, ang solusyon sa mga emergency ay emergency medical evacuation papuntang Bangkok, Singapore o Maynila na naghahalaga ng humigit-kumulang ng dalawampung-libong dolyar. Kung wala kang sapat na medical insurance, mauubos ang lahat ng iyong pinag-ipunan.
Noong isang linggo lang, may Pilipinang nasagasaan habang nakasakay sa moto. Kung babasahin mo itong blog na ito, marami akong nakakatawa ngunit nakakatakot din na kuwento tungkol sa trapiko dito. Araw-araw, apat na tao ang namamatay sa mga aksidente sa kalye. May posibleng spinal injury ang babaeng ito at dapat siyang i-airlift sa Bangkok ngunit wala siyang pambayad dito at hindi din siya ikukubra ng kanyang employer. Marami na akong natulungang mga Pilipino na nagkasakit at kailangang ilipad kaagad sa Bangkok kahit sa pinakasimpleng operasyon lang. Kami sa opisina, ginagawa namin sa Maynila o kaya sa Bangkok ang lahat ng aming check-up at pangangailangang medikal,
Kung tinatanong mo kung bakit ko to hindi kunuwento sa Amerikanong nagsulat sa’kin dito sa post na ito, ito ay dahil kilala ko ang kanyang employer at alam ko na kumpleto ang papeles at benepisyo na binibigay nila. Siguraduhin mo na ganoon din ang iyong employer upang maiwasan ang ano mang sakuna.
Sa kabila ng lahat na ito, nakakasigurado ako na magugustuhan mo dito sa Cambodia. Maganda ang buhay dito. Simple at maari kang makaipon. Tandaan lamang na mag-ingat sapagkat pag may problema, mahirap ang remedyo o legal na solusyon.
Good luck to you and I wish you all the best!
Toe
Note: Ang payo sa itaas ay para sa mga taong katulad ni Ningning na may trabaho na bago sila pumunta sa Cambodia o kaya sa ibang bansa. Kung wala ka pang trabaho, hindi kanais-nais na ikaw ay agad na lumuwas ng Pilipinas upang maghanap ng trabaho sa ibang bansa tulad ng Cambodia. Ayan ang tinuturing na tourist worker. Walang katiyakan na makakahanap ka ng trabaho sa ganitong paraan at baka lamang masayang lang ang iyong ginastos sa pamasahe, visa, upa, at iba pa, na siya sanang dapat pinaggastusan ng employer. Maari pang may mga mangyari sa’yo na mas masama pa kaysa dito. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang dito.
- My Faith in Our Country
- Esep-Esep
- AWC, Asean Night, at Pagiging Asawa ng Diplomat
- Ang Award Ko!
- Kaarawan ng Dating Hari at Koronasyon ng Bagong Hari
Print This Post






Wow Toe, very thorough and informative ang sagot mo. I’m sure that all these infos will useful Ningning and all the other Pinoys planning to work or live in Cambodia.
…will be useful to..pala =P
Very informative. Since the hospital quality in CAmbodia isn’t up to par, perhaps Pinas can send over a lot of their nurses and doctors…. unless a lot are already there. I’ve heard stories about unethical recruitment agencies. It’s really up to the person to check out the legitimacy of the agencies.
Your responses and answers to queries prove that karapat-dapat ka ngang mag work sa embahada o tawaging diplomat.
The manual you seem to have painstakingly put together will be useful to Pinoys about to work not only in Cambodia but any other foreign country. Ang galing Toe.
I wish there were information officers half your savvy when when I queued up at the NSO last week to get my records.
Hi Gina G.. Thanks a lot. I’m glad to help. Too many Filipinos come here not knowing what to expect in this country.
Wil, usually, the charging of exhorbitant rates by a recruitment agency is a red flag. The one-month salary fee is standard. It is also advisable to check if the agency is accredited with the POEA. There are a few Filipino doctors and nurses here hired by NGOs but they work in charity hospitals who serve only the very poor Cambodians.
Maraming salamat myepinoy.
Thanks Annamanila.
You have to forgive the front-line officers though. They do have to put up with a lot… and with very minimal pay.
If this could help even one prospective OFW avoid illegal recruitment or trying to go abroad through illegal means, it would mean a lot to me.
Huaww… at talaga namang sineryoso and pagiging Ate Toe niya, hehe.
Very thorough ang explanation mo about the do’s and dont’s of living in Cambodia. Parang alam ko na rin a gagawin ko pag napadpad ako diyan.
ang galing naman nito Toe! napaka-informative talaga ng blog mo. wanna hear something funny? well, there was a time when i really wanted to go to Cambodia to teach English there. may demand naman although hindi kasing dami kumpara sa Japan ibang mayayamang bansa (Turkey or Japan for example), but i really wanted to teach kids in Cambodia. eventually, i gave up on that di ko na matandaan kung bakit ba’t i really see myself in remote places teaching kids, haha. parang Pahinungod, ganun. anyway, i guess sometimes, we have to settle our dreams for something else. i really love what you do here Toe. galing.
Snglguy, hehe… wag na lang… baka ka mag-reklamo sa blog mo tungkol dito, baka ka ma-png… kelangan pa kitang i-rescue.
Hi Rayts!
Maraming salamat!
Wow, talaga? Gusto mo sana magturo dito? Pero naku… hindi totoo yung demand… siguro, handful lang… at mas gusto nila mga puti. Achaka may mga problema nga katulad ng sinulat ko sa taas. Kaya cgurong naisip mo na may demand, may report kc dati sa tv at sa mga peryodiko. Pero may sagot kami doon dito… http://www.dfa.gov.ph/news/pr/pr2005/aug/pr552.htm.
Ma-update nga itong post na ito at isama ‘yang press release na ‘yan.
Okay lang, kung katulad ni Ningning, na may trabaho na bago siya pumunta dito. Pero madaming Pilipino na pumupunta dito para magtrabaho… at kuminsan matagal o kaya wala silang mahanap. Kaya lugi sila pamasahe, visa, upa, at iba pa. Maliit na bansa lang naman ito at wala ding mga trabaho ang mga taga-dito.
I am sure you know all of these by heart Toe
, grabe and dami ano ! Thanks to your advices/infos our kababayans will find their way as soon as they arrive in the area. These are necessary things they should know before working abroad. These are not just for Filipinos who will be working in Cambodia but will also apply to Filipinos working all over the world. GALING !
Very informative! Makakatulong ito di lang ke Ningning, kundi sa iba ang gustong mag trabaho sa ibang bansa. I hope Ningning does get to have a blog in Cambodia, she could continue what you will be leaving there since you’ll be going back in Pinas na.
Haze, yes, the advice about the recruitment agencies and direct hires are definitely for all non-migrant OFWs.
Thanks Haze!
Ferdz, oo nga… sana nga mag-blog siya dito sa Cambodia para tuloy-tuloy ang balita tungkol dito.
[...] Read my reply here. [...]
[...] Read my reply here. [...]
Hi! I am planning to visit Cambodia sometime in September or October and I was wondering if it is possible to enter through ho chi minh and land travel to phnom penh and siem reap, afterwards my return ticket to the Philippines would be from bangkok?