Aug 12 2007
Esep-Esep
Wagi! Ako ay nagwagi! Unang-una, nakaya kong magtagal (ng buhay at isang katawan) ng mag-isa sa Cambodia ng wala si Honey sa loob ng dalawang buwan. Umuwi na siya kagabi sa aking piling at sa wakas, muli na akong makakakain ng matino at masarap na pagkain.
Pangalawa, wagi nanaman ako. Ako ay nagkamit ng Esep-Esep Award… ang Pinoy version ng Thinking Bloggers Award. At nakamit ko ang marangyang gantimpalang ito mula sa dalawang pinakapipitagang blogger – si Snglguy at si Annamanila.
Maaring natatandaan ng aking mga mahal na mambabasa na nag-EBs na kami nina Snglguy at Annamanila. Acheche! Hindi yata maganda pakinggan ‘yon. O siya… nagkita kami sa Maynila ilang buwan na ang nakakaraan. Dahil dito, nadidinig-dinig ko ang mga bulyaw ninyong mga suspichosong mga mambabasa – “Luto! Luto!”
Ang masasabi ko lang ay ang isang gantimpala ay kasing halaga lamang ng tao na nagbigay ng gantimpala. At dahil dito, magalak kong tinatanggap at pinahahalagahan ang gantimpalang ito na galing sa dalawang nakakatanda respetadong tao sa blogosphere. Kung di kayo naniniwala, sige ipa-SGV natin.
Achaka, higit sa lahat, hindi ito pwedeng luto dahil alam naman ninyong lahat na hindi ako marunong magluto.
At ngayon, panahon na upang ipasa ko itong Esep-Esep Award sa mga blogger na kung basahin ninyo, kayo talaga ay mapapa Esep-Esep.
- Mahilig siya sa sining at kultura, magbiyahe sa malalayo at mga misteryosong mga bansa, mga malalalim na banyagang pelikula, at mga aklat na makakapal at maliliit ang sulat. Ngunit dahil kung kelan lang ay tinamaan siya ng pana ni Kupido, siya ay naging parang isang bungisngis na teen-ager na nasaniban ng kaligayan at pag-ibig. Nagantimpalaan na rin siya ng award na ito na kanyang pinasa sa akin. Ngunit ngayon, ito ay binabalik ko sa kanya. Daphne, ikaw ay wagi!
- Magaling siyang kumanta at mag-gitara. Kapwa kami may star complex (panoorin ninyo ito) at ng huli kaming magsama sa Phnom Penh, inagawan namin ng eksena ang banda sa Intercontinental Hotel ng ako ay nag-piano at siya naman ay umawit. Magaling din siyang manunulat at nakapag-publish na ng sarili niyang aklat na pinamagatang Fading Into Sunrise, Fading Into Me. Ces, ikaw ay wagi!
- Siya ay isang graduate student sa University of Buffalo at kasalukuyang tinatapos ang kanyang PhD sa Linguistics. Kung hindi ka ba naman mapapa-esep-esep nyan, ewan ko na lang. LIW, ikaw ay wagi!
- Isa siya sa magagaling na ina na nagsusulat sa blogosphere. Ang kanyang blog ay isa sa mga una kong binasa. Nagsusulat siya tungkol sa kanyang tatlong kagigiliw-giliw na mga lalaking anak. Ang katotohanan, inaral ko ang kanyang blog para matuto mag-blog. Niceheart, ikaw ay wagi!
- Napakahusay niyang litratista. At ang kanyang award-winning blog ay isa sa pinakamagandang site na aking nakita. Ilang araw lang siya sa Cambodia ngunit mas marami na siyang alam at napuntahan na mga templo ng Angkor kesa sa’kin. Ferdz, ikaw ay wagi!
O mga wagi… kayo naman ang magpasa ng gantimpalang ito sa mga blogger na tingin nyo ay karapat-dapat magtamo ng Esep-Esep Award. Sige na… esep-esep!
Technorati tags: Thinking Blogger Award
meme
- Ang Award Ko!
- Mga Girls Astig
- Kaarawan ng Dating Hari at Koronasyon ng Bagong Hari
- I Heart New York, Part 3
- Ang Naliligaw na Diplomat
Print This Post






Waging Wagi! Hehehe, akala ko kinalimutan mo na yung award ko, este namin ni Annamanila sa yo. At ayos itong ginawa mong version, Filipiniana. Galing!
Ayos ah, Esep-esep Award. “ako ang nagwagi!” Hahaha! Yan tuloy napakanta mo ko. Naku, me na iisip na kong ibang wagi sa nabibisita ko. Maraming salamat sa award
Oh wow I’m surprised I am still included in the list. My blog has turned into this huge mushy love letter without much substance.
But many thanks, I’m honored.
Welcome back home to your hubby.
Congrats, Toe! Ako din, inaward ni AnnaManila – Rocking Girl blogger daw ako. Accept ko naman ang award. Bakit, kahit ano pa sabihin ng iba – kahit sabihin pang magkaibigan kami ni Anna – basta alam ko, deserve ko din yun… E, kung di ba naman ako rocking girl blogger – saan ka nakakita ng nanay na pati girlfriend ng anak niya, e – blog berks niya! hahaha! I rock, and you rock too, girl! So, Cheers! And thanks to Anna!
I was expecting you to say “c’mon down” after you said “ikaw ay wagi” kagaya sa Price is Right. hehehe
I’ve visited all the mentioned bloggers except for Ces and LIW, but I’ll check out those 2 soon.
Oh! You are writing in Tagalog now… ;-(
Congratulations to this award. You surely deserve this and I hope it would further inspire you to do more blogging and entertain your readers all the more.
Feel na feel naman ang kaligayahan mo sa post na ito. I’m sure nasa cloud nine ka dahil nandiyan na si honey sa piling mo.
Congrats to you Toe. You deserve the Thinking Bloggers Award. And thank you for passing it to me. Although I never really thought of myself as a thinking blogger. Ano nga ba ibig sabihin nuon? Well, anyway, I really appreciate it. I know you’ve already mentioned before that you studied my blog to learn how to blog yourself. Glad I have been of help.
ikaw ay wagi! hahaha. natawa ako dun. wala lang. aliw! hehehe. i’m sure ate toe hindi luto yung pagkapanalo mo dito. kse nga hindi ka marunong magluto (joke!) at magalang ka talaga magsulat. mapapa-isip ka talaga
Sounds guilty….hehehe. Joke lang , alam naman namin na deserving ka talaga. Pero ang tagal din pala na wala ni hubby mo no?
wagi ang entry na ito. natawa naman ako. akala ko kung ano itong Esep-Esep na ito. At siyempre natawa din ako sa comment ni Sidney na kababalik lamang sa sirkulasyon.
thank god your hubby is back. GOOD for you Toe. Ngapala, nabasa ko na HP7, haha. kaya kanina lang, binasa ko at binalikan yung entry mo tungkol sa HP spoilers. yung tsikahan nyo ni Verns.
Aba! Tagalog post, love it! Congratulations!! Deserving ka naman eh (no doubts)
Snglguy, makakalimutan ko ba ‘tong award ninyo? Di pwede siempre!
Ferdz, oo nga… yung first line lang yung naaalala ko sa kantang ‘yon.
May utang pa ko sa’yong meme… next post.
Daphne, enjoy ako sa mga love letters mo… nakakakilig!
Rhodora, ang cute naman… bineberks mo girlfriend ng anak mo… hahaha… you really rock Rhodora!
Wil, hahaha… it’s more like “You’re on candid camera.”
Sidney, hehe… sorry about that. I will be writing in Tagalog for two more posts. But don’t worry… it’s just a temporary fervor for Tagalog.
Welcome back to blogging Sidney!
Thanks Major Tom! I know that you’re also a frequent awardee of this award!
Niceheart, ayun na nga ibig sabihin n’on… napapaisip ka kung ano ibig sabihin n’on.
Oh, you were really a big help to my blog.
Tin-tin, thanks… hehehe… napapaisip ng mga kalokohan.
Ann, yes two months! I don’t know how I lasted so long without him.
Rayts, hehehe… mapapa-esep-esep ka sa kalokohan.
Buti ka pa… I just got my copy of HP7… am excited to read it.
momoftwo, thanks… kuminsan talaga, napapasulat ako sa Tagalog… mas maganda ang kalokohan sa Tagalog e.
hahahaha!!! Dyosme anong meron at tagalog ang ling-gwahe dito???? Dahil ba ang iyong irog ay dumating na galing Pilipinas at dahil galing Pilipinas eh Tagalog na ang salita? ka-chorvahan ba eto??? Ayan tuloy si Sidney hindi maka relate hahahaha
Anyway (hindi ko alam ang tagalog ng Anyway…esmyuskee po!) nakita mo ba yung Thoughtful Blogger Award? Gusto ko yun!!!! Pag ikaw nabigyan nyan…awardan (take note: “awardan”…eto karabao tagalog) mo ako nun ha..pag ako nauna awardan din kita..tutful naman tayo eh hehehe
Verns, ah type ko ‘yan… hindi pa tayo naaawardan, linuluto na natin… mwahahahahaha!
Hindi ba mas maganda ang esep-esep kesa thinking blogger. At thoughtful blogger award? Ah, akin talaga ‘yon… tagalog non… kurokuroatbp.
oh good, he’s back… happy days, eh
Congratulations on your award… but, wait for it… you’ve got another one coming…
Welcome back to kababayang honey mo
! So back to reality, he will be the chef and you will be the guest
! Taste test na ulit ! Wow, gandang award nyang esep esep na yan ! Sige makiki bloghop na rin ako
!
Pining, happy days indeed!
Hey, thanks for the Rockin’ Girl Award.
Haze, yahoo! Back to eating good food again.
Cge… mag-esep-esep muna.
All deserve po sila lahat. Ako rin, may esep-esep award galing ke Annamanila pero di ko pa rin nasasagot. itong post mo ang nagpa-alala sa akin.
Leah, deserve ka din sa award ni Annamanila.
Esep-esep na ng mga awardees Leah.
Hi Toe, ok na ok post mo. Naaaliw ako. Sige esep pa ng susunod na kwento ha.
Wow. Nagka-gantimpala pala ako dine… Matamang salamat! Sige, titiyakin kong karapat-dapat ang gantimpala na ito sa akin!
Rowena, salamat naman at naaliw ka samga esep-esep na ito.
LIW, aba, at deserving ka naman talaga!
Paano nakalagpas sa akin ang poste (post di ba?) na ito? Disinsanay hindi ako humalakhak na makatanggal puwer (laughing my ass off). Maling pagbaybay sinadya.
Mayroon akong thoughtful award na hindi ko pa naipapasa. What am I bid for two of these? (for you and Verna).
[...] about her feelings about her father and also her brother who passed away a few years ago. Â Toe has also given me an [...]
Annamanila… hahahahahahha! Makatanggal Puwer!!!!! Kakatawa ka talaga!
Am soooo honored! Hahaha! Thanks so much! Alam mo namang ikaw ang inspiration ko to go back to writing and blogging…
Ces, yehey… I’m also inspired by you. You wrote a bloody book!